Ang Ulan

Ang Ulan

Ni Apolinario Villalobos

 

Biyayang bigay ay ginhawa sa nanunuyong lalamunan

At nagpapalambot ng nagkandabiyak nang kabukiran

Pagbagsak nito sa kalupaan mula sa nalusaw na ulap

Dulot ay ginhawa’t pag-asa sa mga taong nangangarap.

 

Sa bawa’t patak ng ulan, may mga namumuong buhay

Nagkakaugat, sa lupa’y kumakapit at ayaw humiwalay

Sa pag-usbong ng mga ito’y luntiang paligid, dulot nila

Na sa iba pang nilalang sa mundo ang dulot ay ginhawa.

 

Subali’t kung minsan, kanyang pagdating ay may kasama

Hindi lang iisa, kundi dalawang masaklap na mga sakuna

Dilubyo kung ituring dahil may umiihip, malakas na hangin

At kung minsa’y baha na sa pag-agos, lahat kayang dalhin.

 

Ginagamit din kaya ito ng Diyos upang ang tao’y gisingin?

Mula sa kanyang kayabangan at sagad- butong pagkasakim?

Nararapat lang yata dahil kung wariin ay tila nakalimot siya

Sa Isang dapat ay pasalamatan…Diyos na naglalang sa kanya.   

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s