Sa Pagkumpas ng Maestro…tumugtog ang orchestra

Sa Pagkumpas ng Maestro

…tumugtog ang orchestra

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Nakakaaliw, kahanga-hanga siyang tingnan

Isang maestrong may orchestra sa harapan

Isang kumpas dito at isang kumpas pa doon

Mga instrumento… isang tunog ay nagkaroon.

 

Ganyan din sa iba’t ibang mga pamahalaan

Ano mang uri sila… sosyalista o malaya man

May  isang taong kumukumpas, nang sa gayon-

Hindi magkandabuhol, mga ginawang desisyon.

 

Hindi nga lang maganda sa iba namang bayan

Kung baga sa orchestra, tunog ‘di maintindihan

Kanya-kanyang tono, hindi sumusunod sa baton

Kawawang maestro, laging tumataas ang presyon.

 

Sa ibang bayan naman, magaling ang kutsabahan

Mga musikero ay nagkakaisa at walang sapawan

Sumusunod sa  kumpas, mga senyas na may layon

Parang may gustong mangyari, lahat sumasang-ayon.

 

Kumpas ng maestro, “ikaw dito, ikaw naman, diyan”

Pahiwatig ng senyas, “puwesto ninyo, ‘wag iwanan”

“Kailangan ko kayo”, parang sinasabi ng kanyang baton

Na tinapos ng ngiti sa… “pagdating ng tamang panahon”.

                        -0-0-0-0-0-0-

 

(Marami na yatang appointments sa pamahalaan

na sa tingin ng marami ay nakakaduda na. Merong

mga kung ilang beses na ni-reject na ng Commission

on Appointment, nguni’t kapit-tuko pa rin sa puwesto.

Yong ibang ni-rekomenda ay hindi naman karapat-dapat

sa itinalagang katungkulan, kaya maraming nagtatanong

… bakit kaya?)

 

 

 

 

 

 

Mga Papuri at Pangako sa Philippine Politics

Mga Papuri at Pangako sa Philippine Politics

Ni Apolinario Villalobos

 

Pinuri ni Presidente Pnoy si Secretary Alcala ng Department of Agriculture (DA). Marami tuloy ang umismid at nagtanong.  Bakit kailangan niyang gawin ang pagpuri gayong may ginagawa pang mga pag-iimbestiga ng mga kaso na may kinalaman sa pagwaldas ng pondo ng bayan at nakadikit sa nasabing ahensiya? Ipinagdiinan pa ng presidente na dahil kay  Secretary Alcala, na-stablize ang mga presyo ng bigas sa merkado. Sino kayang pinagsasabihan niya? Mga taga-ibang bansa? Ginagawa niyang tanga ang taong bayan dahil maski saang palengke ka maglibot, halos lahat ng presyo ay walang mababa sa 42pesos. Mayroong tag 37pesos ngunit kailangang magpapalipat-lipat ka sa mga palengke sa paghanap nito. May dalawang klaseng  NFA rice na mababa sa 30pesos ang mga presyo pero, dapat tag-isang kilo lang bawa’t isang klase ang pwedeng bilhin, na hindi sapat sa maghapong saingan kung malaki ang pamilya.  At ang matindi, tanghali pa lang ubos na.  Sino kaya ang nagbibigay ng maling impormasyon sa pangulo? Nagmumukha tuloy siyang katawa-tawa.

 May mga pahapyaw din siyang pinuring ahensiya na dapat abangan ang gagawing paghuli sa isang “malaking isda”. Ayan na naman siya, hindi pa nga nahuhuli, nag-broadcast na.  Walang pinag-iba ang ginawa niya sa ginagawa ng isa pang ahensiya na hindi magkandaugaga sa pagdaos ng press conference upang mag-broadcast ng mga plano nilang paghuli. Kaya pag nabulilyaso, nagtuturuan, nagtataka pa kung bakit walang nangyari, bakit nakatakas.

 Maraming mga pinupur si Presidente Pnoy, walang pinupuna dahil sa maling desisyon.  Pumutok ang pagkasira ng mga pagkaing donasyon, pinagtakpan pa ang ahensiyang namamahala dapat sa ganitong bagay, at ang itinuro ay ang mga pamahalaan lokal.  Talamak pa rin ang pagkakaroon ng blackout, abot langit pa rin ang papuri sa namumuno sa ahensiya ng enerhiya. Nagtataasan ang mga presyo ng mga pagkain, hindi lang bigas,  hindi pinupuna ang kalamyaan ng ahensiyang may kinalaman sa pagkontrol. Halatang pilit na pinagtatakpan ang mga kamalasaduhan sa kanyang gobyerno.

Kapag ang isang tao ay  nagsalita na parang nangangarap at kung minsan , pati pangalan ng Diyos ay nasasambit, siya ay guilty sa kung anong maling ginawa o di kaya ay may pinagtatakpan, kaya nag-aasal- b…a.  Wala akong tinutukoy dito…dahil marami na akong nakitang ganoon ang asal. Maraming ganyan sa gobyerno ng Pilipinas. Yong iba nga, handang tamaan ng kidlat kung mapatunayang sila ay nagsisinungaling. Pinakamaganda yong sinasabi ng iba na handang makipagkita sa mga kalaban niya sa naglalagablab na impyerno kung mapatunayang nagnakaw sila sa kaban ng bayan!

Jovy

Jovy

(…para kay Jovy Jovida)

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang simpleng tao na sa Quezon ay sumibol

Napadpad sa Maynila dahil sa hila ng kapalaran

At dahil sa ugaling walang bahid ng pagkukunwari

Magandang buhay siya’y lubos na nabiyayaan,

Pati na ng matatapat  na kaibigan.

 

Guhit na rin yata ng kanyang palad na makilala

Isang dilag na mayumi at maganda –  si Nora,

Dahil siya ay matiyaga at mapagpakumbaba

Ano pa nga bang gagawin ng dalaga

Kundi tanggapin at mahalin siya.

 

Hindi birong hirap ang dinanas ni Jovy

Upang mairaos ang buhay ng kanyang pamilya

Dagdag pa ang tulong na paminsan-minsan

Ay pinaaabot sa mga mahal na naiwan

Sa tahimik na bayang sinilangan.

 

Kapalaran pa rin niyang umangat ang buhay

Nakadagdag pa ang pagmamahal ni Nora

Na sa kanya ay nagbigay dagdag na lakas

Upang tahakin mga baku-bakong landas

Tungo sa buhay na maaliwalas.

 

Natupad niya ang buhay na sa kanya’y itinadhana –

Buong tapang na hinarap ang lahat ng pagsubok

Kahi’t minsa’y hindi man lang nag-alinlangan

Dahil alam niyang Diyos ang sa kanya’y gumagabay

Hanggang sa dulo ng landas –

Kung saan SIYA ay kumakaway….

 

 

 

 

 

 

Getting Inspired by Self-Encouragement

Getting Inspired by Self-Encouragement
By Apolinario Villalobos

To be inspired by what we accomplish on our own effort should be not misconstrued as being narcissistic. Making us realize that we can do some things without being dependent on others should give us more impetus to strive more, however, we should always remember not to be buoyed by arrogance. To develop the trait of self-encouragement in us is not easy. If we are used to the hovering of our parents since childhood, our personality becomes soft, so that along the way of our life, even a simple impediment makes us falter.

Earning accomplishments in life through self-encouragement is like saving coins in a piggy bank. The increasing weight of the piggy bank because of the accumulated coins encourages us to drop more through the slot. Squandering some saved coins, is like putting to use some of what we have accomplished into useless endeavor. This can be avoided if we will be always reminded by an old adage, that we cannot turn back the hands of time, and as I may add, so do mistakes committed that cannot be undone. Care is then very necessary to prevent this.

Meanwhile, successful people driven by self-encouragement can tremendously inspire others, especially, today which is smarting from the frustrating steady rise of unemployment. A person suffers from disappointment if he fails to land a job after his first attempt, and in this situation, it is important that the person should convince himself that he is facing one of the realities of life – cutthroat competition in applying for a job, for which persistence can help. He must accept that so that he can do something to have counter moves or strategies.

To make self-encouragement work, some people switch to other fields of endeavor, some of which are a far cry from those that are stated in their diploma . There was a time in the past when the most in demand job was for nurses to fill up vacancies in European hospitals and caregiving institutions. There was a mass switching of course from medicine to nursing, and even those with license in medicine, went back to school to desperately take a course in nursing. This effort somehow helped, even at the expense of pride – imagine a doctor, willing to work as nurse or a caregiver. As the ultimate goal is financial gain, those who attained it, thought that they did just the right thing.

Self-encouragement is a necessary element for survival. The will to have a useful life after retirement or after having been partially incapacitated by an accident, needs even a bit of self-encouragement. In this instance, the government does its part by offering programs for senior citizens and persons with disability (PWD’s). In this situation, self-encouragement as a force is more crucial than those coming from other people. The strength to move on should first come from within a person. External strength becomes useful to further prop him up steadily.

Ang Diskarte

Ang Diskarte

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang salitang “diskarte” ay isa sa pinakapalasak na salita sa diksyonaryo ng Pilipino. Maaaring ito ay mangangahuhulugan ng “paraan”, “ginagawa”, “gawin”, at kung anu-ano pa na pandugtong ng mga salita, tulad din ng “kung saan”. Sa mga ayaw magsabi ng maraming bagay tungkol sa kanyang ginawa, sasabihin lang niyang “diskarte lang yan”, tapos na ang usapan. Kung baga, “mayamang” salita, literally din, dahil marami ang yumaman sa napakasimpleng salita na yan.

Sa lahat ng panig ng mundo, kailangang dumiskarte upang mabuhay, maski sa pamamagitan man lamang sa pagkain isang beses isang araw, kesehodang ang kapirasong pagkaing isinubo upang mapawi ang gutom ay galing sa tambakan ng basura. Sa Afrika, ang isa sa mga paraan upang mapawi ang uhaw ng mga katutubo ay sa pamamagitan ng paghiwa ng maliit na bahagi ng leeg ng alaga nilang hayop upang tagasan ng dugo na kanilang iniinom. Pagkatapos mapaampat ang dugo ay pinapakawalan uli ang hayop, na parang walang nangyari. Sa Pilipinas, ang mahirap na mga Pilipino ay para na ring hayop kung ituring, sinisipsipan din pero hindi lang ng dugo kundi kapirasong buhay – ng mga gahamang opisyal sa gobyerno at mga pulitiko. Pagkatapos ng “ritwal”, bibigyan kunwari ang mga Pilipino ng “tulong” upang madugtungan ang buhay, na parang walang nangyari.

Maraming tao ang dumidiskarte upang makapasok sa trabaho. Mayroong nagpapa-impress sa interview pa lang na sila ay graduate ng mga kilalang university o college, sinasabayan pa ng pa-“wers wers” na English. Ang iba, pa-emotional, sabay banggit ng kahirapan nila sa buhay kaya kailangang kumita. At, ang iba pa ay binabanggit si “uncle” o “auntie” na malimit ka-lunch ni presidente, ni senador, ni congressman, at iba pang opisyal.

Malaking bagay ang may tiwala sa sarili pagdating sa interview. Ang isa kong kaibigan, naging tapat sa pagsabi na graduate siya sa isang hindi kilalang college at ang natapos niya ay simpleng kursong Bachelor of Arts, subali’t pinagdiinan niyang hindi dapat limitahan ng kurso niya ang iba pa niyang kaalaman na mahahasa kapag nakuha niya ang trabaho. Nang matapos ang pagsulit, pang-apat siya. Ang trabaho sa Department of Budget and Management (DBM), malayo sa kanyang kurso subali’t hindi naging hadlang sa kanyang tuluy-tuloy na promotion. Ang nangyari sa kanya ay nangyari sa akin dahil sa kabila ng kurso kong Bachelor of Arts din, ay napasabak sa sales and marketing nang mapasok sa isang airline. Ang isa pa naming kaibigan na ganoon din ang kurso ay naging Assistant Secretary ng Department of Social Welfare (DSW). 

May isang magandang sekretarya akong nakilala, na ang ama ay ginawan ko ng talambuhay, ang hindi nahiyang nagsabing nakatulong ang maganda niyang mukha at seksing katawan upang matanggap sa inaplayan. Walang sekswal na nangyari, kundi dahil sa pangangailangan ng kumpanya ng isang talagang magandang sekretarya para humarap sa mga dayuhan nilang kliyente, siya ay tinanggap. Ang babae ay hindi lang maganda kundi magaling din magsalita ng English at may kusa sa ibang gawain, kaya ang mga kasama niya sa opisina ay bilib sa kanya. Ibig sabihin, ang diskarte niya ay tumulong sa mga kasama niya sa opisina at hindi siya mayabang.

Yong mga batang nakatira malapit sa Divisoria, ang diskarte ay pamumulot ng mga itinapong gulay ng mga biyahero madaling araw pa lang. Ang mga gulay ay  hindi naman bulok, kundi mga lamog at lanta lamang. Binibenta nila ito pagkatapos tanggalan ng mga lamog o lantang bahagi. Tumpuk-tumpok kung ibenta nila ito sa bangketa at ang kita nila ay ginagamit pangbaon sa eskwela at pambili ng mga gamit. Ang iba ay inuuwi upang pang-ulam.  Ang mga nanay naman nila, nagtatalop ng mga reject na sibuyas upang matanggal ang mga bulok na balat, at ang mga tatay ay nagkakargador sa Divisoria, at nangangalkal sa mga tambakan ng basura upang makakuha ng mga mabebentang mga bagay.

Sa mga naging kaibigan ko na kapos sa buhay at nakatira sa depressed areas, nagsa-suggest ako na haluan ng tinadtad na kamote o saging na saba ang sinaing. Maliban sa nakakapagparami sa sinaing, masustansiya pa. Upang makatipid sa oras ng pagluto at kahoy, ipinapasapaw ko sa painin na sinaing ang mga gulay na malimit gamitin sa pinakbet, pati kamatis at sibuyas. Isasawsaw na lamang sa bagoong kung kakainin na.

Nang minsang naimbita ako sa tanghalian ng isa kong pinasyalan, napansin kong kulang ang pinggan, baso, tasa, at mangkok, kaya ang kumpare ko, takip ng kaldero ang ginawang pinggan. Nag-suggest ako na huwag ibenta, sa halip ay gamitin na lamang nila ang mga mapulot na dating ice cream container para magamit na mangkok at pinggan, ang mga garapon lalo na yong may takip ay gamiting baso, at ang iba pang plastic container na maliit ay pwedeng baso at gamitin sa kape. Ang mga dating ice cream container, maliit na espasyo ang magagamit kung itatabi dahil pwedeng salansanin o pagpatung-patungin, ligtas pa ang tirang pagkain dahil may mga takip na. Ang mga garapon, ligtas din sa mga ipis dahil may mga takip din. Pero, paalala ko hugasang mabuti bago gamitin. Ang mapulot na buo pang  kahon na gawang kahoy o crate ay  pwedeng gamiting mesa. Nang mamasyal uli ako sa kanila, nakita kong may bagong mesa (dalawang crate na pinagtabi) na may cover na tarpaulin may mukha nga lang ng natalong kandidato, mga nakasalansan na mga dating  ice cream container, mga garapong may takip na nakasalansan din, mga dating cup ng instant noodles para magamit na coffee mug, at may flower base pa na dating porselanang garapang nilagyan ng burong black beans, galing Tsina.

 Huwag maliiting ang mga lantang gulay. May mga gulay na sadyang pinapalanta bago buruhin tulad ng labanos at mustasa. Sa Italya, isa sa mga produkto nila ay kamatis na pinatuyo sa araw o “sun dried”. Sa Thailand, Tsina at iba pang bansa sa Asya, pinapatuyo ang kalabasa, singkamas, gabi, kamote, talong. Sa India, ang langka na panggulay, pinapatuyo din. Ang pagpapatuyo ng sili ay hindi maikakailang ginagawa ng halos lahat ng bansa na meron nito. Iyan ang paliwanag ko sa mga kaibigan kong nais makinig.

 Hindi kailangang maraming pera upang makaraos sa buhay. Ang kailangan lang ay simpleng diskarte.