Madali ang Magsulat…Mahirap ang Maglathala

Madali ang Magsulat…Mahirap ang Maglathala

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang  magpalabas ng nasa kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ay madali lamang. Ang mahirap ay ang paggawa ng desisyon kung ito ay tuluyang ilathala o huwag na lang dahil sa pangambang baka makasakit ng iba – ibig sabihin, baka may masagasaan nang hindi sinasadya. Kung minsan kasi, maski tukoy na ng manunulat kung sino ang tutumbukin ng kanyang isinulat, hindi niya alam na may mga kaibigan  o kamag-anak pala siyang guilty rin sa parehong pagkakasala.

 

Ang nasabing pag-alinlangan ay naihinga sa akin minsan ng isang kaibigan na halos itakwil ng pamilya dahil sa paglathala niya sa isang pahayagan ng katiwalian ng isang opisyal sa bayan nila, na hindi niya alam ay kakutsaba pala ang kanyang ama. Huli na nang malaman niyang palihim lang pala kung gumawa ng transaksyon ang kanyang ama at ang opisyal. Kaya pala nagtaka siya noon pa kung bakit palaging may pera ang kanyang ama gayong ang negosyo nito ay buy and sell ng mga sasakyan na hindi naman gaanong kalakasan.

 

Nagpakalayo-layo na lang ang kaibigan ko at bandang huli ay pumirmi sa Maynila kung saan siya ay nagtrabaho bilang clerk sa isang recruitment agency na nalaman niyang involved pala sa human smuggling. Nabuhay uli ang damdamin niyang makamasa kaya nag-resign at nagsulat na naman tungkol sa nalaman niyang katiwalian, hanggang sa may makilala siyang mga kamag-anak ng mga naloko kaya lalong bumigat ang ginawa niyang pagbunyag. Sa puntong ito, nalagay naman sa alanganin ang buhay niya. Nang mahuli ang recruiter,  naghanap na naman siya ng trabaho at swerteng nakapasok bilang salesman ng mga herbal products.

 

Sa kabibenta niya ng mga herbal products na gawang lokal at imported galing Tsina, nalaman niya na ang iba sa mga ito ay peke. Yong mga sinasabing gawa sa mga lokal na nakakagamot na tanim, ang iba ay hindi naman galing sa mga bahagi ng nasabing mga tanim. At yong mga galing Tsina naman, may halong nakalalasong chemical, lalo na ang mga beauty products! Nagsulat siya bilang anonymous contributor uli sa isang pahayagan. Nang magkabistuhan na umabot sa kumpiskahan ng mga paninda, nawalan na naman siya ng trabaho.

 

Ngayon, nagtitiyaga siyang mag-blog sa internet sa pamamagitan ng pag-abang ng mga ipapasulat o ipapa-research ng mga websites, para maski papaano ay kumita. Upang mabawasan ang sama ng loob niya, kinuwento ko na minsan ay naisama ako sa isang okasyon – inagurasyon ng isang government project, maraming bisita. Nagulat ako nang may bumati sa akin at nagsabing, “kayo pala si ………, nabasa ko ang isinulat nyo tungkol sa mga kaso ng ghost NGO projects, nabanggit  ako doon.”. Halos wala akong masabi dahil ang kaharap ko pala ay ang mayor ng isang bayan sa hilaga na iniimbistigathan dahil sa mga ghost deliveries ng fertilizers, at malamang ay sangkot sa katiwalian. Okey  naman siya habang nag-uusap kami na sinasabayan niya ng paliwanag na alam ko namang puro mali, nguni’t hindi ko na lang kinontra.  Mabuti na lang at nag-ring ang cellphone ko kaya nagkaroon ako ng dahilan upang magpaalam.  Nang umalis ako sa okasyon na yon, isinumpa ko sa aking sarili na yon na ang huli kong pagtanggap ng imbitasyon para  sa  inagurasyon ng mga government projects. At least, napatawa ko ang kaibigan ko.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s