Trust, Confidence and Betrayal

Trust, Confidence and Betrayal

By Apolinario Villalobos

 

More often than not, it is not easy to just trust anybody… anybody for that matter. Without trust, there is no confidence.  Even within the family, members sometimes hold back information and feelings from each other. It comes to a point, that even the mother sometimes misunderstands her children because they do not confide some of their feelings, especially, problems with her. More so with most parents, as husbands and wives, they cannot help themselves from not divulging everything about themselves. Some couples are fortunate that despite this predicament, they still persist in maintaining their relationship for the sake of the children.

 

Betrayal results when despite the effort of a person to trust somebody, behind his back, the confidante does otherwise, especially, due to selfish motives. A trusting wife for instance is betrayed by her philandering husband; a trusting husband is betrayed when the wife dates her college boyfriend; a sister who sneaks out of the house to date a suitor may be betrayed by a brother to their parents, just because she failed to give him the promised money in exchange for a cover up. The greatest betrayal was done by Judas when he turned over Jesus to his enemies in exchange for a few pieces of silver. The betrayal was done despite the trust given him by Jesus as one of his apostles.

 

Practically, no country is free from the hideous betrayal of their leaders after they were elected to their posts by the citizenry.  Somehow, in time, due to selfish motives, the trust and confidence given by voters to their officials crumble. These selfish motives are spelled by corruption which has become a common mark of the various governments, today.  No government in the world could attest that it is free of this evil stain.

 

Among friends, to prevent betrayal to ensue, insignificant differences are endured which is a commendable act, although, the level of their trust and confidence to each other has been affected. But not everybody can be persevering enough, especially, if pride comes in the way. We have to be honest about that.

 

Mankind will never be free from this quandary. There will always be a reason for not trusting and commit betrayal. Even among countries that have forged treaties of mutual protection, there will always be a hidden agenda of selfishness. Not even the United Nations will ever be an organization of countries that trust each other, as signs evidently show how underdog countries are left by their big brother allies at the mercy of clandestine exploiting ones…not even the different religions with their respective hierarchy within which, a scramble for supremacy regularly puts them in embarrassing headlines.

 

Heaven was not spared from this.  All we have to do is check the bible for the story about “fallen angels”…

 

 

Mga Pagkaing Pang-survival (o pagkaing pangmahirap)

Mga Pagkaing Pang-survival

(o pagkaing pangmahirap)

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Dahil ang isa sa mga layunin ko sa pagsusulat ay upang makibahagi ng aking mga karanasan, ngayon ay isisiwalat ko ang  tungkol sa mga pagkaing malayong-malayo sa nakagisnan ng karamihan. At alam ko na marami sa mga makakabasa ang magtataas ng kilay at magsasambit ng “ano ba yan!” o di kaya ay “yuck!”….. Okey lang…karapatan nila yan.

 

Ang grupo namin ay pumupunta sa mga depressed areas upang maki-bonding at mamahagi ng tulong, nguni’t dahil sa kagustuhan naming makatipid ng dala naming pera na ang sobra ay pinamamahagi pa rin namin sa mga bata para baon nila pagpasok sa eskwela,  bumibili na lang kami ng mga kung anong abot- kamay namin sa paligid. Karamihan sa mga “pagkain” na nahahagilap namin ay palanta na o talagang lanta nang gulay, subali’t nagagawan ng paraan upang mailuto  pa ng masarap.  Yong ibang nasa mga sisidlang lata o plastic ay pa-expire na o talagang expired na.  Subali’t upang siguradong ligtas namang kainin ng mga kaibigan namin, grupo muna namin  ang tumitikim. Hanggang ngayon wala pa rin namang namamatay sa grupo namin (hallelujah…praise the Lord!).

 

Nakakabili kami ng tumpok-tumpok na gulay tulad ng talong na tinapyasan ng bulok na bahagi, petsay na yukung-yuko na ang mga dahon sa pagkalanta, sitaw na dahil sa kalantaan ay pwedeng ibuhol ng ilang beses, kamatis na litaw na ang mga buto, at marami pang iba. May mga sardinas na expired na pero hindi pa naman lumulubo ang magkabilang takip, imported na kape na tumigas na sa sachet dahil sa kalumaan, meron ding mga “reject” na tuyong daing na halos nanghihimulmol sa asin. Madalas tuloy naming iluto ay “pinakbet a la pobre” (stir fried na mga lantang gulay na binagoongan), “aubergine con salsa” (ginisang talong sa maraming kamatis,  sibuyas, at tinostang bawang), “aubergine a la italiano” (inihaw na talong na tinaktakan ng mantikang may konting suka at maraming dinurog na sariwang bawang),  “pescado a la pobre” (reject na daing na pinirito at sinarsahan ng maraming kamatis, sibuyas, at tinostang bawang), “pasta de lata” (expired spaghetti noodles na ang sauce ay sarsyadong expired na sardinas).  Ang panghimagas namin ay expired na kape na ang katigasan ay walang magawa  kundi bumigay at malusaw  sa mainit na tubig.

 

Ang mga bahagi naman ng manok  ay may kasarapan  naming niluluto upang maging “dry adidas” (paa ng manok na inadobo, pinatuyo ang sauce), “hot balbakwa” (balat ng baka na ginataan  sa maraming siling haba at siling labuyo), at “splendid IUD” (bituka ng manok na habang binabarbekyu ay pinahiran ng gata ng niyog na may sili, sibuyas at bawang). Ang mga ito lang ang nailuluto namin na hindi expired at sinisiguro din naming hindi bulok dahil matalas ang pang-amoy ng isa naming kasama pagdating sa ganitong bagay.

 

Kapag makatiyempo kami ng tutong na kanin (yong hindi sunog na sunog) sa mga karinderya, binibili namin, at kung wala naman, bumibili kami ng NFA rice sa isang tindahan na naging suki na namin. Ang ibang tutong na kanin ay dinudurog, pinapakuluan sa katamtamang dami ng tubig, hinahaluan ng instant noodles, at “binabagsakan” ng itlog  para sa mga bata. Ang natirang tutong, fried rice ang kinalalabasan – sa maraming bawang, sibuyas, gulay tulad ng repolyo o petsay, hinimay na reject na daing, at tinaktakan ng toyo para lalong magkalasa. Hindi kami gumagamit ng vetsin dahil ayaw naming may magka-cancer sa amin. Kung minsan nag-aaroskaldo kami, gamit ang NFA rice.  Ang sahog ay balat ng baka (pampalapot) at paa ng manok – may sahog na luya, sibuyas, at sariwang bawang.

 

Pinapaliwanag namin sa aming mga kaibigan  ang kahalagahan ng mga rekadong tulad ng bawang, sibuyas at luya na marami sa paligid nila.  Sinasabi namin  na hindi dapat mawala ang mga ito sa kanilang pagkain maski bilang sawsawan man lamang, dahil subok na rin ng aming grupo bisa ng mga ito, tulad ng  sibuyas na panlaban sa sipon at pampalambot ng plema para madaling mailuwa, ang luya na panlaban sa kabag at panlinis ng pantog at atay, ang bawang na panlaban sa mga mikrobyo sa loob ng katawan. Dagdag pa namin, ang bawang at luya ay maaaring pampahid sa balat upang matanggal ang kung ano mang mikrobyo at pangangati. Malakas ang loob naming ibahagi ang mga kaalamang  ito dahil isa sa mga kasama namin sa grupo ay doktor, subali’t hindi alam ng pinapasyalan naming mga kaibigan.

 

Napatunayan ng grupo namin na ang pa- expire na pagkain o pabulok na gulay ay hindi nakamamatay (kung expired na, dapat mga ilang araw lang, hindi yong kung ilang buwan na).  Ang nakamamatay ay  katamaran, kaya ang mga kaibigan namin ay todo-todo ang pagkayod upang mabuhay nang marangal, sukdulan mang gumising sila sa madaling araw at abutan man ng ulan habang namumulot ng mga itinapong  gulay  upang pagkakitaan. Lalong hindi nakakahiyang kumain ng mga ito. Ang nakakahiya ay ang lumamon ng pagkaing binili gamit ang perang kinamkam sa kaban ng bayan, dahil para na rin nilang inagawan ng pagkain ang mahihirap na Pilipio.  At  kung nakamamatay ang hiya, matagal na sigurong umalingasaw ang mga opisina ng pamahalaan dahil sa nakahambalang na mga bangkay ng mga opisyal na basta na lang nagbagsakan!

 

 

 

 

Madali ang Magsulat…Mahirap ang Maglathala

Madali ang Magsulat…Mahirap ang Maglathala

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang  magpalabas ng nasa kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ay madali lamang. Ang mahirap ay ang paggawa ng desisyon kung ito ay tuluyang ilathala o huwag na lang dahil sa pangambang baka makasakit ng iba – ibig sabihin, baka may masagasaan nang hindi sinasadya. Kung minsan kasi, maski tukoy na ng manunulat kung sino ang tutumbukin ng kanyang isinulat, hindi niya alam na may mga kaibigan  o kamag-anak pala siyang guilty rin sa parehong pagkakasala.

 

Ang nasabing pag-alinlangan ay naihinga sa akin minsan ng isang kaibigan na halos itakwil ng pamilya dahil sa paglathala niya sa isang pahayagan ng katiwalian ng isang opisyal sa bayan nila, na hindi niya alam ay kakutsaba pala ang kanyang ama. Huli na nang malaman niyang palihim lang pala kung gumawa ng transaksyon ang kanyang ama at ang opisyal. Kaya pala nagtaka siya noon pa kung bakit palaging may pera ang kanyang ama gayong ang negosyo nito ay buy and sell ng mga sasakyan na hindi naman gaanong kalakasan.

 

Nagpakalayo-layo na lang ang kaibigan ko at bandang huli ay pumirmi sa Maynila kung saan siya ay nagtrabaho bilang clerk sa isang recruitment agency na nalaman niyang involved pala sa human smuggling. Nabuhay uli ang damdamin niyang makamasa kaya nag-resign at nagsulat na naman tungkol sa nalaman niyang katiwalian, hanggang sa may makilala siyang mga kamag-anak ng mga naloko kaya lalong bumigat ang ginawa niyang pagbunyag. Sa puntong ito, nalagay naman sa alanganin ang buhay niya. Nang mahuli ang recruiter,  naghanap na naman siya ng trabaho at swerteng nakapasok bilang salesman ng mga herbal products.

 

Sa kabibenta niya ng mga herbal products na gawang lokal at imported galing Tsina, nalaman niya na ang iba sa mga ito ay peke. Yong mga sinasabing gawa sa mga lokal na nakakagamot na tanim, ang iba ay hindi naman galing sa mga bahagi ng nasabing mga tanim. At yong mga galing Tsina naman, may halong nakalalasong chemical, lalo na ang mga beauty products! Nagsulat siya bilang anonymous contributor uli sa isang pahayagan. Nang magkabistuhan na umabot sa kumpiskahan ng mga paninda, nawalan na naman siya ng trabaho.

 

Ngayon, nagtitiyaga siyang mag-blog sa internet sa pamamagitan ng pag-abang ng mga ipapasulat o ipapa-research ng mga websites, para maski papaano ay kumita. Upang mabawasan ang sama ng loob niya, kinuwento ko na minsan ay naisama ako sa isang okasyon – inagurasyon ng isang government project, maraming bisita. Nagulat ako nang may bumati sa akin at nagsabing, “kayo pala si ………, nabasa ko ang isinulat nyo tungkol sa mga kaso ng ghost NGO projects, nabanggit  ako doon.”. Halos wala akong masabi dahil ang kaharap ko pala ay ang mayor ng isang bayan sa hilaga na iniimbistigathan dahil sa mga ghost deliveries ng fertilizers, at malamang ay sangkot sa katiwalian. Okey  naman siya habang nag-uusap kami na sinasabayan niya ng paliwanag na alam ko namang puro mali, nguni’t hindi ko na lang kinontra.  Mabuti na lang at nag-ring ang cellphone ko kaya nagkaroon ako ng dahilan upang magpaalam.  Nang umalis ako sa okasyon na yon, isinumpa ko sa aking sarili na yon na ang huli kong pagtanggap ng imbitasyon para  sa  inagurasyon ng mga government projects. At least, napatawa ko ang kaibigan ko.

 

 

Dapat Walang Anyo ang Pagtulong sa Kapwa

Dapat Walang Anyo ang Pagtulong sa Kapwa

Ni Apolinario Villalobos

 

 

May nagtanong sa akin kung bakit ang grupo namin ay  hindi  nagsasabi ng totoo tungkol sa aming pagkatao kapag tumulong kami sa iba. Ang sabi ko, ginagawa namin ito sa mga hindi namin kilala na gusto naming matulungan. Unang-una, hindi kami mga pulitiko o mga artista na kailangang makilala dahil sa ginagawa namin. Pangalawa, wala kaming permanenteng pondo. Ang mga naibabahagi namin sa mga hindi namin kilala na mga taga-depressed areas ay galing sa sarili naming mga bulsa, at paminsan-minsan ay nakakalikom kami ng mga bagay o pera lalo na kung pasko. Kaya ang binibigay naming pangalan kapag may nagpilit magtanong, ay iba at hindi na rin kami nagsasabi ng totoo kung taga-saan kami, dahil nga wala namang kinalaman ang mga impormasyong ito sa layunin naming makatulong.  Kaya lalong bawal sa amin ang makunan ng larawan bilang souvenir tulad ng ginagawa ng iba.

 

Naniniwalal ang grupo namin na ang pagtulong sa kapwa ay dapat walang anyo o mukha. Ang binibigyang halaga ay ang naiabot na tulong sa nangangailangan. Kapag may nagpasalamat,  dapat paalalahanan na lang,  na kung sila naman ang magkaroon ng pagkakataong makatulong, ibigay na sa iba upang maipakalat ang diwa nito, hindi na kailangang ibalik sa tumulong. Hindi dapat matanim sa alaala ng natulungan ang mukha ng tumulong, sa halip ay ang kagandahan ng kanyang nagawa. Kaya maaari niyang banggitin sa iba ang tulong na nagawa, pero ang masasabi lamang niya ay “may isang tao” o “may mga tao”, hindi “si Juan” o “ang grupo ni Pedro”.

 

Sa isang  banda, para naman mapanatili ang pagkakaalaman tungkol sa pagtulong na ginagawa ng gobyerno, dapat ang mga nakapaskil na mga karatula ng mga proyekto ay walang pangalan ng mga opisyal at retrato nila. Ang dapat lang malaman ng mga taong bayan ay mga detalye ng proyekto tulad ng halaga, ang ahensiyang nagpasimuno, ang kontraktor at kung kaylan ito matatapos. Ang masama kasi, kadalasan, nakahambalang sa mga karatula ang mukha ng mga opisyal at mga pangalan nila…mas malaki pa kaysa mga detalye.

 

Paano ang mga kilalang mga foundation na matitino na talagang alam nating tumutulong? Sa ganang akin, tama lang ipaalam sa mga tao ang ginagawa nila para magkaalaman kung saan napupunta ang mga donasyon na tinatanggap nila. Ang isa sa matutukoy ko ay ang ginagawa ng dalawang malalakig istayon ng telebisyon na halos araw-araw ay ipinapaalam sa mga manonood nila ang inabot na ng mga proyekto tulad ng pagpapagamot ng mga mahihirap at pagpapatayo ng mga eskwelahan. Sa paraang ito,  madadagdagan pa ang mga donasyon. Ang ganitong sistema ay maaari sa mga grupo ng mga taong matitino. May iba kasi na nangangailangan pa ng kamera upang maiabot ang kakarampot na tulong. At ang matindi, may mga grupong nakakalikom ng pondo ng bayan dahil sa pakikipagtutsadahan sa mga tiwaling mga opisyal ng gobyerno na kumita rin, subali’t ang mga proyekto ay hanggang papel lamang.

 

Ang isa pang masama sa ginagawa ng mga opisyal ng gobyerno ay ang paggamit nila ng mga kalamidad upang maisulong ang pansarili nilang layunin. Ang mga supot na nilalagyan ng mga relief goods ay may mukha at pangalan nila. Kung minsan, nire-repack ang mga donasyon upang ilipat ang mga ito mula sa dating nilagyang mga sako, sa mga supot na may mukha at pangalan nila.  Kung minsan, hindi rin  nila pinamamahagi ang mga donasyon kapag ang nakaupong mga  opisyal sa lokal na pamahalaan, tulad ng barangay o bayan, ay kalaban nila sa pulitika.

 

Kadalasan, ang pagtulong sa kapwa ay naaabuso rin. May iba kasi na hindi makahintay sa iaabot na tulong ng mga taong may kusang gawin ito. Ang iniisip kasi ng mga taong hindi makahintay ay obligado silang tulungan ng iba, na dapat lang mamahagi ng biyaya.  Hindi  naisip ng mga taong tinutukoy ko na anumang biyaya mayroon ang bawa’t tao, ay dahil sa pagsisikap nila at nasa sa kanilang pagdesisyon na kung ang labis na biyaya kung mayroon man, ay gusto nilang ipamahagi sa iba.

 

Kaya, sana sa susunod na may mag-abot ng kung ano mang tulong sa kanyang kapwa, itanim na lang niya sa isip na ginagawa niya ito sa ngalan ng Pinakamakapangyarihan sa lahat.

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob

Ni Apolinario Villalobos

 

Likas na sa tao ang tumanaw ng utang na loob sa kapwang nakapag-abot ng tulong sa kanya. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng tulong din, salita, o sa kilos man lamang.  May mga tao namang nakatulong na ayaw tumanggap ng utang na loob kahi’t na sa anong paraan, at nagsasabi na lang na ipasa sa iba ang tulong na natanggap. May iba namang tumatanggap ng utang na loob lalo na’t  nakita nila kung paanong paghirapan ng mga natulungan nila ang makapagtanaw ng utang na loob sa abot ng kanilang makakaya. May iba namang natulungan na nga ay nagawa pang pintasan ang tulong na naibigay.

 

Sa kagustuhan ko minsan na makatulong  sa isang nanay na mag-isang bumubuhay ng kanyang mga anak, at madalas na maglabas ng sama ng loob dahil sa kahirapan ng buhay, naipamili ko sila ng pang-ulam na isda at gulay, pati bigas. Nang dalhin ko sa kanila ang mga napamili at nakita niya, sabi ng nanay, “ay, kuya, hindi kumakain ang mga bata ng isda dahil nalalansahan sila”. Kaya pala sila hirap, kahi’t kapos sa pera, pinipilit ng nanay na pagbigyan ang luho nila sa pagkain, kaya ang binibili niyang pang-ulam palagi ay karne ng manok at baboy, at ang gulay ay bihirang-bihira lamang, kung magkaroon man ay repolyo– yan ang sabi niya sa akin. Mabuti na lang at hindi tinanong ng nanay kung magkano ang bigas at baka mabisto na mumurahin lamang.

 

Hindi na ako nagtagal sa kanila, bitbit ang dalawang plastic bag, dumiretso ako sa bahay ng isang kaibigan na medyo nakakaangat sa buhay. Nang iabot ko ang mga plastic bag ng mga pinamili ko, abot-abot ang kanyang pasalamat. Ang kaibigan kong ito ay volunteer sa isang parokya at kadalasang nagmamaneho ng sasakyan ng pari kung may mga lakad ito. Kung sira ang kotse ng pari, kotse niya ang kanyang ginagamit.  Minsan na akong nakasama sa kanila nang puntahan namin ang isang naghihingalong matanda sa  kanyang barung-barong, sa tabi ng isang malaking ilog sa Pasay. Yong naunang nabanggit kong pamilya naman ay umaasa hanggang ngayon sa paabot-abot na tulong ng kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Japan.

 

 

May isa namang pamilya na nagawan ko ng paraan upang may mahanap na malilipatan agad dahil pinapaalis na sila sa kanilang tirahan na pagmamay-ari ng isang masungit na landlord daw. Subali’t inamin naman ng mag-asawa na kaya sila pinaapaalis ay dahil delayed sila ng dalawang buwan sa pagbayad ng upa. Nakiusap ako sa isang kaibigan na may kaya ang pamilya at nagpapaupa ng mga apartment din, na  baka pwedeng ipagamit ang bago pa lang nabakanteng unit. Dahil kaibigan ko, hindi na ako nagdalawang salita dahil kinabukasan din ay nakalipat ang pamilyang pinaalis sa dating apartment. Para walang masabi ang kaibigan ko, ako na rin ang nagbigay ng dalawang buwang deposito. Makaraan ang mahigit isang taon, naringgan ko na ng reklamo ang kaibigan kong nalipatan ng pamilyang natulungan – madalas delayed ang upa. Nang pasyalan ko minsan ang nasabing pamilya, may nakita akong van na nakaparada sa tapat ng apartment, kanila pala. Pinatuloy nga ako subali’t naramdaman ko ang malamig na pakita sa akin- pinahalatang ayaw nila akong tumagal dahil hindi man lang nag-alok ng tubig o kape, ni hindi man lang ako pinaupo. Umalis na lang ako at nang magkita kami ng kaibigan kong may-ari ng apartment, sinabihan ko na lang na ayaw ko nang makialam sa kanyang desisyon.

 

Ang isang klasikong halimbawa ng hindi paniningil sa mga natulungan ay nang sabihin ni Hesukristo na ang pagmahal natin sa ating kapwa ay pakita na rin ng ating pagmamahal sa kanya. Hindi niya tahasang sinabi na may dapat tayong tanawing utang na loob sa kanya dahil ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa atin. Ang isang pagmamahal na tinutukoy niya ay ang pagtulong natin sa ating kapwa.

 

Kung ang mga pipi ay nakakagawa  ng paraan para maipakita ang kanilang pasasalamat, tulad ng pagyuko man lamang, pagpapalipad ng halik patungo sa nakatulong, pagdampi ng mga daliri sa bibig, pagturo sa dibdib kung nasaan ang puso, at ang pagporma ng mga daliri upang maghugis puso, sabay turo sa tao na gusto nilang pasalamatan, tayo pa kaya na may kakayahang magsalita?

 

Bilang mga panghuling paalala:  hindi dahilan ang pagkalimot ng iba na magpaabot ng pasasalamat o magpakita nito sa anumang paraan, upang mawalan tayo ng ganang patuloy na tumulong sa ating kapwa sa abot ng ating makakaya, dahil hindi dapat magkaroon ng puwang ang pagtanaw ng utang na loob, sa ganitong pagkukusa. 

Trust, Confidence and Betrayal

Trust, Confidence and Betrayal

By Apolinario Villalobos

 

More often than not, it is not easy to just trust anybody… anybody for that matter. Without trust, there is no confidence.  Even within the family, members sometimes hold back information and feelings from each other. It comes to a point, that even the mother sometimes misunderstands her children because they do not confide some of their feelings, especially, problems with her. More so with most parents, as husbands and wives, they cannot help themselves from not divulging everything about themselves. Some couples are fortunate that despite this predicament, they still persist in maintaining their relationship for the sake of the children.

 

Betrayal results when despite the effort of a person to trust somebody, behind his back, the confidante does otherwise, especially, due to selfish motives. A trusting wife for instance is betrayed by her philandering husband; a trusting husband is betrayed when the wife dates her college boyfriend; a sister who sneaks out of the house to date a suitor may be betrayed by a brother to their parents, just because she failed to give him the promised money in exchange for a cover up. The greatest betrayal was done by Judas when he turned over Jesus to his enemies in exchange for a few pieces of silver. The betrayal was done despite the trust given him by Jesus as one of his apostles.

 

Practically, no country is free from the hideous betrayal of their leaders after they were elected to their posts by the citizenry.  Somehow, in time, due to selfish motives, the trust and confidence given by voters to their officials crumble. These selfish motives are spelled by corruption which has become a common mark of the various governments, today.  No government in the world could attest that it is free of this evil stain.

 

Among friends, to prevent betrayal to ensue, insignificant differences are endured which is a commendable act, although, the level of their trust and confidence to each other has been affected. But not everybody can be persevering enough, especially, if pride comes in the way. We have to be honest about that.

 

Mankind will never be free from this quandary. There will always be a reason for not trusting and commit betrayal. Even among countries that have forged treaties of mutual protection, there will always be a hidden agenda of selfishness. Not even the United Nations will ever be an organization of countries that trust each other, as signs evidently show how underdog countries are left by their big brother allies at the mercy of clandestine exploiting ones…not even the different religions with their respective hierarchy within which, a scramble for supremacy regularly puts them in embarrassing headlines.

 

Heaven was not spared from this.  All we have to do is check the bible for the story about “fallen angels”…