The Mystery of Love

The Mystery of Love
(for Ado and Letlet Vijandre)

By Apolinario Villalobos

Why is it that when love beckons
Nothing can block the way
Not even sleet or rain
Or even storm that’s raging?
Why is it they say that love is blind
But for the struck, what’s drab
Becomes flushed, ruddy –
He even perceives ecstasy?
Love conquers all, they say
And, it can make one a pauper, too
For nothing is far greater than love
Not even dazzling heaps of gold
Or, big hunks of tough diamond.
Yes, it is a mystery, how this feeling
That makes the heart pound wildly
Can cause people in love to meld –
Become one…steadfast…
United until eternity.

Ang Kagitingan ng Babae

Ang Kagitingan ng Babae

Ni Apolinario Villalobos

Kung babasahin ang Bibliya, nakatala doon sa sinasabing alamat ng paraiso, na ang dahilan ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos ay babae, si Eba. Kung sinasabi din na silang dalawa ay binigyan ng malayang kaisipan, ang ginawa ni Eba ay ang paggamit nito dahil sa kagustuhan niyang mahigitan ang kaalaman ng Diyos. Masisisi ba natin siya? Kung ang kaisipang ibinigay ng Diyos sa mga una niyang nilalang ay hindi malaya, hindi sana nagpatukso si Eba sa ulupong, at si Adan ay hindi nagpadala sa pangbubuyo ni Eba. Sa ginawa ni Eba, pinairal niya ang kanyang saloobin, kaya pati ang Manlilikha ay nakaya niyang suwayin. At, kung hindi napalayas ang tatlo (kasama ang ulupong) mula sa paraiso, hindi sana nagkaroon ng pagkakataon ang tao na masubukan ang kanyang katatagan sa harap ng mga pagsubok na ibinigay ng Diyos.

Sa kasaysayan, maraming mga Ebang nagpakita ng kanilang katapangan, katatagan at kagitingan. Unahin na natin si Maria na sinasabing ina ni Hesukristo. Nagpakita siya ng katatagan sa pagharap sa nakasisilaw na anyo ng anghel nang pagsabihan siya nito na dadalhin niya sa kanyang sinapupunan ang manunubos ng mundo. Hindi siya nalito at natakot, sa halip ay tinanggap niya ang anunsyo ng buong puso at katatagan, at sa kabila ng posibilidad na mai-eskandalo ang nakatakda nilang pagsasama bilang mag-asa ni Jose.

Marami na rin ang mga naging bayaning babae, at ang isa sa pinakamatunog na pangalan ay si Santa Juana (St. Joan) ng Pransya, na maski sa kaliitan ay nagawa pa rin niyang pangunahan ang isa sa pinakamadugong pag-aklas laban sa mapanupil na hari noong kapanahunan niya na humantong sa pagsunog sa kanya habang nakatali sa isang tulos. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mababanggit si Gabriela Silang at si Tandang Sora. Sa makabagong panahon naman, ang isa sa pinakarespetadong pinuno ng bansa ay si Indira Gandhi ng India, na hanggang ngayon ay itinuturing na simbolo ng katalinuhan ng mga kababaehan.

Sa Inglatera, nagkaroon din ng babaeng pinuno, si Margaret Tacher, na kinilala sa kahusayan niya sa pagharap sa mga bantang pinakita ng kalapit nilang mga bansa. Sa Pilipinas, naman ay merong Corazon Aquino na sa kabila ng kakulangan ng kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno ay buong tapang na umako ng mga responsibilidad sa ngalan ng kalayaan.

Marami pang mga kwento ng kagitingan ang umiinog sa katauhan ng mga babae, mga matatawag na ring bayani at martir na pilit nilabanan ang lungkot dahil sa pansamantalang pagkakalayo mula sa mga pamilya, kumita lamang ng maayos sa ibang bansa. Sila ang mga binubugbog at pinagsasamantalahan ng mga amo, at kung malasin ay isinasakay sa eroplano bilang cargo dahil nasa loob na ng kabaong, maiuwi lamang sa Pilipinas. Sila ang mga babaeng halos pigilan ang mga kamay ng orasan, magkaroon lamang ng mahabang pagkakataon upang kumita sa pinapasukang beerh house bilang receptionist o mananayaw. Sila ang mga babaeng maghapong nakatayo sa mga mall bilang mga dispatsadura. Sila rin ang mga babaeng hanggang ngayon ay nasa kabundukan at pilit na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga inaapi. At sila ang mga babae na halos maputol ang hininga sa pag-ere, mailabas lamang ang isang buhay mula sa kanilang sinapupunan.

Sila ang ating mga anak, asawa, kapatid, pinsan, tiyahin, pamangkin, ina, lola, kapitbahay, kasambahay – mga nilalang na malimit hindi maunawaan, kaya kung minsan, ang tanging paraan upang mabawasan ang sama ng loob, ay ang pag-iyak na lamang. Subali’t hindi na ngayon, dahil unti-unti na ring kinikilala ang kanilang kagitingan at dahil diyan, nagkakaroon na rin ng imahe na dapat igalang.

Mercedes

Mercedes
(Para kay Mercedes Bernardo Vijandre)
Ni Apolinario Villalobos

Naging ina sa murang gulang,
Subali’t sa nilaktawang mga taon
At mga kasiyahang dapat ay natamasa,
Buong tapang niyang tinanggap, ang sa kanya –
Ay naiguhit ng kapalaran at tawag ng tadhana.

Maaliwalas na kinabukasa’y nakalaan
Dahil sa tinapos niyang propesyong naiiba –
Ang pagiging librarian na puno ng pagsubok,
Gawaing ‘di lang gumagabay sa mga mag-aaral –
Kundi sa pagmahal rin ng aklat, na kanyang pinairal.

Special child ang kanyang apple of the eye,
Kaisipa’y napag-iiwanan sa pagbulas ng katawan
At upang sa paglaki nito siya ay makapagsubaybay-
Trabaho’y iniwan, propesyong pinagtiyagaan ay kinalimutan,
Pinairal ang pusong ina upang sa mahal na anak ay mailaan!

Dellilah

Dellilah

(para kay Del Merano)

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Lahat  ng nilalang ay may kabuluhan

Tao man, hayop, at buong kalikasan

Lahat ay itinutugma sa mga layunin –

Na inaasahang dapat  lamang  tuparin.

 

Lahat ng nilalang ay pantay –pantay

Dahil sa mundong ito,  iisa ang buhay

Walang  kinikilingan, ano at sino man –

Ganyan Niya kamahal lahat ng nilalang.

 

Ang suliranin, kung sa atin ay dumating –

Hindi dapat  pagtikis, kung ito’y  ituring

Pagsubok itong alam Niyang ating kaya –

Kayang balikatin, may kapalit na pag-asa.

 

Sa kasamaang palad,  iba’y di’ nagtiyaga

Subali’t   namumukod- tangi  si Dellilah

Na bata pa’y halos di makagulapay sa bigat –

Bigat ng mga tungkuling makalaylay-balikat!

 

Kahirapan sa buhay ay hindi niya inalintana

Pinapalakas ng mga pangarap, ng mga adhika

Na sa kalaunan, lahat ay kanya ring natupad –

Kaginhawaang  nakaguhit  sa kanyang palad!