Dito sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
Dito sa Pilipinas, masarap mamuhay….sana.
Mga tao’y masayahin, magalang, maka-Bathala
Mga islang sa karagatan nagkalat…iba’y berde pa
Kung sa himpapawid sipatin, talagang kaiga-igaya!
Kabisera niyang makasaysayan, tawag ay Maynila
Panahon pa ng kastila, ito’y kilala na sa Yuropa
Pagkilalang umabot sa hilagang kontinente ng Amerika
Kaya’t di kalaunan ay pinag- agawan ng mga banyaga!
Sa paglipas ng panahon, ng ilang makukulay na dekada
Si InangPilipinas, nakahinga ng maluwag at napayapa
Nakatikim ng kalayaan, nakatikim ng kaunting ginhawa –
Subali’t iya’y noong piso, ay karespe-respeto pa a nghalaga!
Mga naka-long sleeves na pulis, sukbit ma’y simpleng batuta
Matikas ang tayo, tiya’y di bundat, at kilos ay di kahina-hinala
Hindi tulad ngayon, matikas, malusog, at maliksi lang saumpisa
Subali’t kalaunan, dahil sa kabundatan, sila’y kay daling manghina!
Mga mambabatas noon, kagalang-galang, may laman ang mga salita
Kung magtalo sila sa plenaryo, ang nakikinig, may aral namatatamasa
Hindi tulad ngayon na bawa’t isa’y nagtatalumpati ng pagkahaba-haba
Kuntodo emote, sabay kumpas at ngiting aso pa sa harap ng kamera!
Ang mga batas noon, kakaunti man, ay naipatutupad at sinusunod talaga
Karapatan ay di nalalabag, dangal ay di nayuyurakan, walang mapagsamantala
Hindi tulad ngayon, kung sino pa ang mayaman, at inaasahan sa pamahalaan –
Sila pa itong lalong nagpapahirap at nagpapalugmok ng kapwa sa kahirapan!
Subali’t dahlia ko’y Pilipino, kayumanggi ang balat, mapagpaubayang naturingan
Titiisin ko ang lahat, babangon sa kahirapan, at upang umunlad, gagawa ng paraan
Upang sa harap ng ibang lahi, maipakita ko na ditto sa Pilipinas, mahal kong bayan
Walang puwang ang kahinaan, dahil sa hagupit ng mga unos, ang Pilipino –
Lumiyad man ay hindi mababali, dahil matibay – parang kawayan!