Tatlong Pangako

Tatlong Pangako
Ni Apolinario Villalobos

Alam kong alam ninyo ang nakakatuwang kasabihan na “pinangakuan na nga, gusto pa ay tuparin”. Nakakatawa, subali’t kung seseryosuhin, malaki ang epekto nito sa mga taong apektado. Dahil sa hindi pagtupad ng pangako ng isang kasintahan halimbawa, ang kanyang partner, kung hindi man nasisira ang katinuan ay nagpapakamatay. At, huwag na huwag mangako sa mga bata kung ayaw mong sumakit ang ulo mo sa pangungulit nila upang malaman kung kelan ito matutupad. Maraming pangako ang nabibigkas subali’t ang natanim sa isip ko ay tatlo lamang …muna:

1. Ang pangako ng Pangulo ng Pilipinas. Ang pangakong “kayo angboss ko, kaya hindi maaaring hindi ako making sa inyo” noong mangampanya si Pnoy ay napatunayang epektibong “slogan” niya dahil nanalo siya. Ito ay nakakabilib dahil sa mapagpakumbabang dating nito. Para sa mga die-hard ng mga Aquino, ito ay mga makakabagbag damdaming kataga.

Noong magsimula na siyang manungkulan, marami ang napapa-opppsss dahil parang hindi yata siya nakikinig sa kanyang mga boss. Mas malakas yata ang mga bulong ng mga nakapaligid sa kanya na mga gradweyt ng mamahaling unibersidad at kolehiyo.Talamak pa rin kasi ang mga katiwalian. Hanggang bandang huli, may tsismis na hindi daw talaga siya nakikinig, kaya maski nga “maliit nabagay” nabisyo niyang paninigarilyo ay tuloy pa rin. May magandang resulta ito para sakanya dahil idolo naman siya ng mga pilosopong adik sa sigarilyo na ang mga katawan ay halos kalansay na at kung sumpungin ng ubo, animo tunog ng tambol ang lumalabas sa bibig.

Walang dapat magalit kay Pnoy dahil sa hindi niya pagtupad sa kanyang pangako. Wala naman sa kanyang pangako ang salitang “susundin”. Sabi lang niya, “makikinig”siya, hindi naman niya sinabing tutuparin niya. Dapat magalit sa sarili nila ang mga Pilipinong bumoto sa kanya dahil nakinig sila sa mgapangako niya– naisahan na naman sila ng isang typical na pulitiko. Magalit sila kung ang pangako ni Pnoy ay “ kayo ang boss ko, kaya hindi maaaring hindi ko susundin ang mg utos ninyo”. Wise ang gumawa ng talumpati niya, kaya siguro hindi mawala-wala sa eksena doon sa isang gusali sa tabi ng ilog-Pasig.

2.Ang pangako ng bride sa kanyang groom sa harap ng altar noong sila ay ikasal. Masarap pakinggan ang mga salitang “till death do us part”at iba pang mga sweet lines na nakakaiyak. May pinipirmahan pang kontrata. Ang nakalimutan o hindi nabigyan ng pansin ay ang tungkol sa paggamit ng apelyido ng lalaki ni babae. Dapat ay isinama sa pangako ng babae ang mga katagang “dahil dala ko ang iyong pangalan, pangako kong hindi ko ito gagamitin sa anumang katiwalian”.Dapat din, dahil kontrata ang pinirmahan, may expiration para hindi na kailangan pang magbayad ng malaking halaga kung magkasawaan na ang magsing-irog sa isa’t isa kaya nagagawa nilang maghanap ng iba. Kung wala naming problema sa kanilang samahan, dapat ipa-extend na lang para kumita naman sa processing fee ang kinauukulan, yaman din lang na lahat ay gusting pagkitaan mula binyag hanggang kamatayan. At, pwede ring automatic na isawalang-bisa kung may nalabag sa mga nakasaad basta covered lang ng sworn statement na notarized ng abogado.

Ang sinasabing “mother of PDAF scam” nasi Janet ay nagging Napoles dahil ikinasal siya sa kanyang mister. Ang apelyido ni Janet ay Lim. Kaya umaalma ang mgaNapoles dahil nakaladkad ang pangalan nila sa scandal. Ang mantas sa kanilang pangalan ay hindi na mabubura at maitatala pa sa kasaysayan ng atingbansa. Isang beses, nasa pre-departure ako ng airport terminal, may panawagang narinig:“ paging Ms. Vivian Napoles, please check with …….”. Dahil mainit ang isyu tungkol sa scandal ng PDAF, ang mga nakarinig ay nagtayuan at tumingin sa paligid upang makita ang hitsura ng tinatawagan. Kawawa rin ang mga job applicants na ang apelyido ay Napoles dahil nakatatak sa pangalan nila ang hindi mapagkakatiwalaan.

Sa ganitong isyu ay hindi maiiwasang hindi mabanggi si RubyTuason nasangkot din sa scandal ng PDAF, at nitong huli ay umuwi ng Pilipinas paraharapin ang mga kasong kanyang kinasangkutan kuno. Pinangakuan siguro na abswelto siya basta state witness ang papel na gagampanan niya. Nasira ang apelyidong Tuason na kilala sa larangan ng negosyo. Nabanggit pa yata angpangalang ito sakasaysayan ng Pilipinas. Pero si Ruby ay isang Chan at dahil sa nagawa niya, nakaladkad din ang mgaTuason sa eskandalo. At tulad ng mgaNapoles, umaalma din ang mgaTuason dahil sa pagkasira ng kanilang makasaysayang pangalan.Tulad sa kaso ng pamilyang Napoles, hindi mabubura ng pag-amin ni Ruby ang mantas sa pangalan ng Tuason.

Sa isang banda,iba na ang kwento kung may basbas ng mister ang ginawa ni misis. Ang tawag dito ay: conjugal corruption, conjugal crime, conjugal venality, conjugal dishonesty, at kung anu-ano pang mga ka-kundyugalan. Hindi lang si Janet Lim at Ruby Chan ang mga babaeng may ginawang hindi “kaaya-aya”, marami sila… nagging bahagi ng gobyerno at ang iba, hanggang ngayon ay may katungkulan pa rin dahil sa utang na loob sa kanila ng isang tao sa itaas…ang iba nga, makapal pa ang mukha at nagmamalinis sa paggawa ng batas na mag-iipon lang naman ng alikabok, masabi lang na may ginawa kuno.

3.Ang pangako sa pambansang awit naLupang Hinirang. Ipinangako natin sa pambansang awit na LupangHinirang:“ang mamatay”. Bakit wala man lang salitang “makipaglaban”. Hindi naman yata pwedeng mamatay tayo nang ganoon na lang – walang laban. Kaya siguro ito ang nakikita sa atin ng ibang. Natutuwa ang gobyerno dahil may naglalagak ng puhunan sa atin, mga Amerikano, mga Tsino, mga Hapon, mga Koryano. Pero bakit marami pa ring gutom na mga Pilipino? Dahil hanggang paglagak lang sila upang kumita. Ang malaking kinita ay binabawasan ng kakarampot na pangsweldo sa mga Pilipino at pambayad sa Philippine tax batay sa dinayang kita. Ang malaking bahagi naman ng kinita ay inuuwi nila sa kani-kanilang bansa. Naka-steady lang ang halagang pampuhunan. Kaya, ang Pilipino talagang hindi aasenso. Ang mga sweldong bigay sa mga nagtatrabaho sa mall tulad ng mga sales girls, drivers, pahinante, at iba pa ay hindi umaabot sa antas ng minimum wage. Sa halip na gumawa ng paraan ang gobyerno upang maka-develop ng iba’tibang mapagkitaan, nang sagayon ay hindi na kailangan pang humikayat ng mga dayuhang mamumuhunan, ipinagyayabang pa nito ang pagkakaroon natin ng malaki at mapapagkatiwalaang “labor sector”.Ini-export pa nga sa ibang bansa, eh. Mamamatay nga tayo nang walang kalaban-laban dahil hostage tayo ng mga banyagang mamumuhunan sa bansa at mga employers sa ini-eksportan ng mga manggagawang Pilipino, dahil na rin sa hindi maaayos na mga polisiya ng gobyerno.

Kaning Tutong at Kape ( Burnt Rice and Coffee)

*Kaning  tutong  at  kape…

(Burnt rice and coffee)

 

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaning tutong, pilit kinakayod

Sasabawan ng mainit na kape

Nang  maski paano’y lumambot-

Biyayang maituturing ng  iba

Upang maipanlaman sa sikmura

At mapawi ang gutom sa umaga.

 

(Burnt  rice at the bottom of the pot

All it needs is coffee to soften it a bit

For  the poor,  a  blessing  from  heaven

Enough  to  fill  a  grumbling,  aching  tummy

That  for  days,  trembled  with  pain, agony

Blissful  breakfast,  to  last the whole day.)

 

(*Filipino language)