Ang Bata sa MacDo
(Tulang na-inspire ng blog ni kwentoniblack)
Ni Apolinario Villalobos
Isang nakakabilib na eksena –
Sa Macdo, isang blogger may nakita
Batang umorder ng spaghetti –
Sa inaasahang sarap, siya’y napapangiti.
Nalaman ng blogger na ito
Bata pala’y namalimos, taas-noo
Mabuti pa siya kung ihambing sa iba –
Mga kurakot ng bayan, animo mga linta!
May napabilib, umorder para sa bata
Nguni’t tinanggihan, ito daw hindi kanya
Eksena’t mga salitang parang salamin
Nagpapakita ng kamalian ng iba sa atin!